An unexamined life is not worth living. Socrates

Lunes, Agosto 26, 2013

Bayani ng Bayan

Kahapon ay idinaos ng sambayang Filipino ang Araw ng mga Bayani, isang pagkakataon para kilalanin, bigyan pansin at parangalan ang mga aral, buhay at bilin ng ating mga bayani, bayaning nagluwas ng kanilang sariling mga buhay para sa inang bayan, para sa bayang sa larangan ng kasaysayan ay nagdusa, naghirap, at inapi.

Kailangan ng Pilipinas, higit man sa nakaraan, ang pagusbong nga mga bagong bayani. Mga bayaning hindi takot ipaglaban, isulong at ipagtanggol ang interes, kalinangan at buhay ng Pilipinas. Kailangan ng bayang nga mga taong buo ang pusong ibigay ang sarili sa ikabubuti, ikasusulong at ikagagaling ng bayan.

Ang pagkabayani ay hindi lamang isang estado ng pag-iisip, ito ay isang katayuang pagmamalasakit, pagsisikap, pagtulong at paglaban para sa kaluwalhatian ng bayan, ng bawat mamamayan, ng kinabukasan nating lahat.

Ang isang bayani ay isang mamamayang sa isip, sa puso at sa gawa ay panatag ang tiwala na kayang umunlad ang Pilipinas kung kayang ipagpaliban ang mga makasariling, makapamilyang gawaing naghubog sa ating kasaysayan simula ng sakupin tayo ng mga dayuhang mapang-api. Ang bayani ay tayong lahat na naniniwalang kung tulong-tulong, uunlad ang bayan, uunlad tayong lahat.

May pag-asa ang bayan, ang pag-asa ay tayong mga mamamayan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento